Friday, June 21, 2013

Widgets

Pilipinas 2016





Mananatiling "sick man of Asia" ang Pilipinas sa taong 2016. Isa sa pinakamalaking dahilan nito ay ang kawalan ng kaalaman ng mga tao tungkol sa mga karapatan nila sa estado at sa dapat nilang gawin para sa kanilang bansa.

Samantala naman, iilan lamang ang kumikilos sa mga nakakaalam ng kanilang dapat gawin para sa bansa. Karamihan sa kanila ay "indifferent" o walang pagpapahalaga sa kinabukasan ng kanilang mga anak kung saan kulang at simot na ang karapatan ng mga ito na mistula na lamang robot sa manipulasyon ng mga makapangyarihang nasa 1% lamang ng populasyon.

Kung mapapansin, kahit sa ngayon ay pilit nang minamanipula ng mga taong nag-mamay-ari ng media, govierno, enerhiya, at kahit ng ekonomiya ang pagpapatakbo ng bansa at sa mga buhay ng taong nakatira at may kaugnayan rito.

Kung umasta ang mga nasa gobierno, mistula sila franchisee, o nabili ang karapatang i-maniobra ang kanilang mga ahensiya o opisina bilang kanilang pag-aari. Karamihan sa kanila ay ni hindi kinu-konsulta ang Saligang Batas o Constitution na siya sanang dapat nilang sinusunod.

Pagdating naman sa pribadong sector, kasabwat ng mga negosyanteng ganid ang mga opisyal ng govierno upang huthutan at paduguin ang mga tao sa presyo ng mga bilihin bukod na sa patong ng bawat consumer good ng taxes. Ang masaklap, ni hindi alam ng 105 million kataong Pilipino na araw-araw ay patung-patong ang iniaambag nilang pondo na ninanakaw sa kanila ng mga nasa govierno.Ang buong akala nila, hangga't nabibili nila ang luho ng kanilang katawan ay okey lang kahit na ano pa ang gawin ng mga makapangyarihan.

ANg pagbabago ay nasa bawat isang Pilipino. Kahit sandamakmak na FaceBook post, komento, at mura ang gawin natin araw-araw upang batikusin ang mga nagyayaring panlilinlang sa atin ay mananatili itong hungkag at walang kabuluhan.

Bagkos, kumilos dapat tayo nang may kahihinatnan:

1. pumirma sa mga mass action petitions (totoo kaibigan, walang kwenta ang mga ipinapalabas ng COMELEC na listahan ng PUBLIC SERVANTS - legislative- na kuno ay inihalal ng nakakarami)

2. i-demand mula sa mga front-runners ng bawat ahensiyang lantaran ang pambababoy sa ating mga karaptan na iparating ang ating mga hinaing sa nakakataas sa kanila (sample: electricity or phone payment penalties and charges that not even accountants can explain)

3. Magtanim ng puno, siguraduhing mabuhay ito, at magtanim pa ulit.

4. Iayos ang mga basura ninyo sa bahay sa tamang paraan - segregate, reduce, reuse, recycle, repair.
5. Ipamigay sa mga malaki ang kakulangan ang mga sobra-sobra ninyo (kaysa naman maging diabetic o overweight kayo at magka hypertension).

6. Parating gawin ang sa tingin ninyo ay tama, nakakatulong sa ikabubuti ng karamihan, at hindi nakakasagasa sa karapatan ng iba.

Sa pamamagitan ng mga ito, malaki ang posibilidad na iba ang mangyayari sa Pilipinas sa taong 2016.




Author: Margaret Tadeja

Margaret is an alumna of University of Sto. Tomas. She currently writes for Bituen.Org







CONTRIBUTE. Send your articles to  silentvoicepoints@yahoo.com. Subject on your email: PHILIPPINES 2016. WRITE anything (English or Filipino). SHARE your views. CAPTURE every moment.

Get regular updates straight from your Facebook and Twitter accounts with Philippines 2016. Make sure that you keep informed about the latest happenings around you. Be a fan of VoicePoints page on Facebook. Join the online conversation of the people behind your history. Follow and get some tweet updates from @voicepoints on Twitter. Discuss and be a part of this changing world. We believe in your voice. We believe in you. Shout! Speak your mind! Join now! You have the right. You have the freedom!

Philippines 2016 is accepting works and articles - news on our nation and the world, social issues, environment, advocacy, entertainment, trending issues and events, history, literature, reviews, travel, science and technology and discoveries. We reserve the right to edit and not to publish articles for reasons of libel and ethics.

Need advertising partners? Email us now silentvoicepoints@yahoo.com.  Advertise with us!


0 comments:

Post a Comment